MGA MADALAS NA KATANUNGAN SA SAKRAMENTO NG KUMPIL
(Frequently asked questions)
KAILAN MAYROONG SCHEDULE NG KUMPIL SA ST. ISIDORE THE FARMER PARISH CHURCH?
TUWING ARAW NG LINGGO LAMANG (Every Sunday Only)
Walang ibang araw na schedule ng Sakramento ng Kumpil kundi araw ng Linggo.
8:30 AM TO 12:00 NN
Ito ay tumatagal ng kalahating araw kasama ang Seminar at Rito ng Kumpil.
KAILAN MAAARING MAGPALISTA?
TUESDAY to THURSDAY (First come, first serve basis)
Office Hours:
MORNING – 8:00 AM to 12:00 PM
AFTERNOON – 2:00 PM to 5:00 PM
Tanging ang MAGPAPAKUMPIL lamang ang pahihintulutang magpatala.
ANO ANG MGA DOKUMENTONG DAPAT DALHIN SA PAGPAPATALA / PAGPAPALISTA?
PARA SA MGA IKAKASAL:
- Newly Issued Baptismal Certificate with Annotation “For Confirmation Purposes” & Receipt of Certificate (Bring the original copy and photocopy)
- Bagong Kopya ng Sertipiko ng Binyag na may nakasulat na “For Confirmation Purposes” dalhin ang orihinal na kopya at ang resibo para sa verification.
KUNG NABINYAGAN SA EDAD NA 12 PATAAS:
- Certificate of No Record of Confirmation
Ito’y mula sa simbahan kung saan bininyagan upang patunayan na hindi pa nakukumpilan.
KUNG NABINYAGAN LAMANG SA NAKALIPAS NA BUWAN O TAON DAHIL SA MAGPAPAKASAL NA:
- Certificate of Explanation from the Parish
Sulat pagpapaliwanag mula sa Parokya kung saan bininyagan. Ito’y naglalahad na noong ikaw ay bininyagan ay hindi isinama ang Sakramento ng Kumpil.
Bakit kailangan nito? Ang taong matanda na at nagpabinyag dahil sa ilang mga kadahilanan ay dapat tatanggap ng tinatawag na “Sacrament of Initiation” kung saan dapat kasama ang Binyag, Kumpil at pagtanggap sa banal na komunyon sa isang rito (rites) lamang.
PARA SA MGA BATANG MAY EDAD 12 PATAAS AT HINDI NAMAN IKAKASAL:
- Newly Issued Baptismal Certificate with Annotation “For Confirmation Purposes” & Receipt of Certificate (Bring the original copy)
SINO ANG MGA MAAARING MAGING NINONG O NINANG AT ILAN ANG KINAKAILANGAN?
ISANG TAO LAMANG ANG ATING PINAHIHINTULUTAN na makasama o maging sponsor ng kukumpilan.
Kinakailangan Siya ay isang Binyagang Katoliko at nakatangap na ng Sakramento ng Kumpil. Mga tiyuhin o tiyahin, Ninong o Ninang sa binyag o sa kasal ang mga maari ninyong kunin. Mas kaaya-aya na nakatangap na rin ng sakramento ng Kasal kung sila ay may asawa na.
MGA HINDI MAARING GAWING NINONG O NINANG
- Ang iyong mapapangasawa (Fiancée)
- Ang iyong mga magulang at kapatid (Parents & Siblings)
- Ang iyong mga hipag o bayaw (In-Laws)
- Ang iyong magigin biyenan (Father-in-Law / Mother-in-Law)
- Ang senior citizen (may edad na 60 pataas)
KAILAN MAAARING MAKUHA ANG SERTIPIKO NG KUMPIL?
Ang Confirmation Certificate ay makukuha ISANG LINGGO MATAPOS ANG KUMPIL (1 Week after Confirmation). Mangyari lamang na tignan ang impormasyon sa pagkuha ng Sertipiko.
MAY BAYAD BA ANG SAKRAMENTO NG KUMPIL?
“ANG MGA SAKRAMENTO AY WALANG BAYAD”
Mayroon lamang pong KUSANG LOOB NA DONASYON na hinihingi po sa atin bilang kontribusyon natin sa pag-gamit ng pasilidad, speakers, Atbp.
Nasasaad po sa ating Biblia na responsibilidad nating mga Kristiyano ang suportahan ang ating Simbahan. Ikinalulugod ng Panginoon ang isang pusong mapagbigay …
“Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob …” 2 Cor. 9:7
MGA PAALALA SA MGA MAGPAPATALA NG BINYAG / KUMPIL
Kung ang inyong Baptismal record ay may mali (discrepancy) tulad ng spelling ng pangalan, detalye ng mga magulang, birthday, atbp. mangyari lamang na ipaayos/ipa-correct muna ito sa simbahang pinagbinyagan bago magpalista ng Kumpil upang maiwasan na madagdagan ang pagkakamali sa inyong record. Huwag po tayong magpapagawa ng Affidavit of Discrepancy, ang simbahan ang siyang tutulong sa inyo.
Mangyari lamang na suriin muna ang Baptismal Certificate bago umalis ng simbahan pinagkuhaan kung ito ba ay nilagdaan (signature) ng Parish Priest, dry seal, mahalaga rin na nakalagay ang petsa kung kailan ini-issue ang Certificate at ang resibo nito.
Mangyari lamang na mag-suot tayo ng TAMANG PANANAMIT na angkop sa ating pupuntahan, hindi po natin pinahihintulutan na makapag palista o kumuha ng sertipiko ang mga naka (Shorts, Slippers, Sleeveless, Sando)