Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija - isang makasaysayang sigaw ng kalayaan na nagpasiklab ng tapang at pagkakaisa ng ating mga ninuno. Nawa’y patuloy tayong mahikayat ng kanilang kabayanihan upang isabuhay ang tunay na diwa ng pagiging makabayan, makatarungan, at mapagmahal sa ating lalawigan ng Nueva Ecija. Kaugnay nito, nagkaroon din ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa Parokya ni San Isidro ang Magsasaka ngayong ika-2 ng Setyembre 2026, sa pangunguna ng ating kura paroko, Reb. P. Edilberto Dela Rosa Jr.